sa mga pagkakataong
nalilimutan kong huminga
o nalilimutan
ng puso kong tumibok
sa mga pagkakataong
malamig ang hangin sa hapon
o nawawalan
ng ilaw ang poste sa umaga
sa mga pagkakataong
tumatahimik ang sansinukob
o dumidilim
ang langit at ulan
alam kong nakalimot ka na
at ako
ako'y hindi pa
(para kay R)