
Ayaw ko man,
ngunit 'di ko mapigilan ang sarili ko
na batiin ka sa kaarawan mo.
Aaminin ko,
umaasa pa rin ako matapos ang lahat
ng kagaguhan na dinaanan ko nang dahil sa'yo.
Ngunit labag man sa puso ko
(at alam ko na pagtatawanan ako ng buong mundo),
sapat nang malaman ko na masaya ka sa piling nya.
Dahil mas hindi ko maaatim isipin
na maglaho ang mga ngiti sa labi mo
ni isa mang katiting na segundo.
Kaya ngayon sa kaarawan mo,
kahit hindi ko pa napagtatagpi-tagpi ang puso ko,
maligayang,
maligayang,
maligayang bati sa'yo.