putanginang buhay to. human beings are so unreliable. ang hirap-hirap maasahan. ang hirap ispelengin ng utak. magsasabi ng isang bagay pero iba ang gagawin. sige. fine. i can't fully blame the person for not being able to meet what s/he promised. i understand there are a lot of factors involved. but still. with the advent of bloody mobile phones they could have at least let me know. or even leave a godfucking note on the fucking door for bloody fucking christ's sake.
kagabi nagsimula eh. babayaran na daw globe bill ko. so excited ako. kasi mga tatlong linggo na kong naging pasensyado. ambait-bait kong bata. ok lang. last week dapat bayad na kaya lang may nangyari atang kung ano sa standard chartered ni mother kaya hindi nabayaran lahat. isang linggo na lang daw ulit. ok lang. mabait naman ako e.
so eto na. isang linggo na. excited na ko. nag-txt na ko sa nanay ko saka sa kapatid ko, mga 6:30. papunta na ko ng ayala. sabi nila kasi mga alas-siete nila ko masusundo. pero sige, since sanay na ko kanila, binigyan ko na rin ng palugit. siguradong male-late sila ng mga 15-20 minutes. ok lang naman.
nakarating ako sa ayala mga 10 to 7. so nag-txt ulit ako. sabi ko andun na ko sa meeting place. sa may national bookstore. nagbasa-basa muna ko. naghihintay ako ng kahit anong reply, wala akong nakukuha. kahit sabihin man lang na nandun pa sila sa fort, o hinihintay pa ng nanay ko kapatid ko, o paalis na sila, o pwede bang bukas na lang magkita, ni ha ni ho wala akong natanggap na putanginang text. ano ba naman ang piso sa anak o kapatid, leche. so nagmissed call ako nang nag missed call.
finally after 47 years, tumawag ang magaling kong kapatid. mga 7:15. sabi niya mga 10 minutes na lang daw sila. sige. so great. 10 minutes. so basa ulit ako. basa, basa, basa, basa...
putek, 20 minutes na ah. nagsasara na ang hub! nag-txt kapatid ko. nagpapark na daw sila. leche. by that time sarado na hub. hindi na naman makakapagbayad. tumayo ako sa may escalator. balak ko na silang salubungin. nanggagalaiti na ko. dumating sila after another 20 minutes. knowing those two, nag-away pa yun on the way. bwisit talaga.
nung nakita ko nanay ko, hindi ko alam... sumabog na lang ako. parang sinagasaan ako ng beinte unong taong pagdadrama niya. beinte unong taong parati na lang silang dalawang nale-late. beinte-unong taong parati na lang akong pinaghihintay. mababaw na kung mababaw pero sobrang naging pasensyado kong tao. parati na lang ok lang. parating sige, bukas na lang, o sa isang linggo na lang. parati na lang akong mabait. kagabi hindi ko na natiis. sumigaw na talaga ko. kailangan kong ipaalam sa buong mundo na hindi ako ok at hindi ok ang nangyayari sakin. hindi ok na naghihintay ako. hindi ok na nangangako at hindi tinutupad.
hindi naman sa pagbayad yun ng bill ko sa telepono eh. i could care less kung mawalan ako ng telepono. para naman kasing may nagtetext sakin. ang ikinaaasar ko e yun na lang parating ako ang naghihintay, nagpapasensya. nakakaasar na. hindi madaling maghintay.
sometimes i think my life is one big waiting shed. parati na lang akong naghihintay. parati na lang may dumadating, nakikiupo, makikipag-usap sandali, at aalis. parati na lang akong naiiwan. nakakaburat na.
so umuwi akong mag-isa. iniwan ko silang mag-ina. ang sarap maging kontrabida...
--
pero teka, hindi pa tapos ang kwento. kanina dapat lunch makikipagkita ko sa kaibigan ko for lunch sa mongolian barbecue place sa UM. matagal-tagal na ring di ako nakakakain dun. so i was so looking forward to it. we were supposed to meet at one. so mga 12:30 nagbibihis na ko. after that, punta ko kena oscar. i called him up nung umaga to tell him pupunta ko sa kanila ng 3 and we can work on his site then. sabi niya he'll be there. sinigurado kong andun sya kasi walang siyang cel. so hindi ko maco-contact.
nang palabas na ko ng bahay, hinarang ako ng pinsan kong medyo dense din naman. may ipapaprint daw siya. ako naman, ok lang. since sandali lang naman yun. so i ushered her in, opened my lappie, and plugged the usb printer in. then she gave me a list of scribbled notes and a quick outline. sabi ko, "ano to?"
"yung ipapaprint ko sayo."
kinabahan na ko. "ha?"
"nahanap ko sa internet. sa google ba yun?"
"ah, so pupunta ko sa site tapos ipiprint ko?"
"oo."
tinignan ko ulit yung notes. naghahanap ako ng http o www o kahit dot man lang. tangina. kinabahan ako. walang kahit anong url na nakalagay. "nasan na yung site address?" tanong ko.
"anong site address?"
puta sabi na nga ba... "yung http. o www..."
"ay... yun ba dapat yung sinulat ko...? nakuha ko lang to sa google kasi eh..." while handing me the note and backing off slowly.
ano pa nga naman magagawa ko. siguro naman sandali ko lang mahahanap tong mga sites. google lang naman ang pinaka-reliable sa lintek na mundong ito. so my fingers whizzed and typed and saved and typed and saved again. in ten minutes i finished finding everything except one. damnit, it's always the last one. i looked at the clock. 10 minutes to 1. ok. i'll be a bit late, but i'm sure my friend won't mind. "ate, isa na lang. sigurado kang tama tong sinulat mo?"
"ha? bakit wala? andyan yun kahapon ah. may butterflies pa nga eh..." she said, looking over my shoulder. "sandali nga tabi ka muna dyan, ako maghahanap."
the bitch grabbed me with her manicured claws and literally and forcefully pulled me from the chair, away from my lappie. rar. pero sige. ok lang. mabait naman ako. mahaba pasensya ko. hindi ako magagalit. male-late ako nang kaunti pero maiintindihan ng kaibigan ko yun.
so nagpunta muna ko sa tindahan. kumuha ng chichirya to pass the time. after 20 minutes, balik ako sa pinsan ko. aba! nag-e-email na!
"ate... kailangan ko nang umalis..."
"ay sandali lang! may naalala kasi ako kailangan din i-print..."
so tahimik na lang ako...
tahimik... tahimik... tahimik... tahimik...
"o, tapos na. sige, sa labas ko na lang ipiprint. paki-save na lang sa diskette." haaaay... narinig ng kung sinong diyos ang sigaw ko sa wakas. isang oras na nakalipas. kawawa naman kaibigan ko. hindi ko ma-txt kasi wala ring cel. so nagpadala na lang ako ng offline message sa yahoo. sobrang sorry talaga ko. (at least ako marunong mag-sorry.)
so papunta na ko kena oscar. as usual, mainit ang biyahe. masikip sa jeep, at murder ang pagsakay sa lrt. pagkababa ko sa blumetritt, mainit pa rin. mausok pa. mabaho pa kasi sa may palengke yun. pero ok lang. at least makakahinga na ko ng sama ng loob. pinagkakatiwalaan ko si oscar sa mga bagay na yun. kahit ba puro reklamo na lang kami sa buhay, at least hindi kami nagpapalastikang maging optimist. ang saya maging bading pagka kasama si oscar.
so tiniis ko ang usok ng maynila at quezon city, at ang masangsang na amoy ng mga baboy sa laloma kasi i get to have fun after naman.
or so i thought.
when i got to oscar's place, i called him up. just to let him know andun na ko. after 5 rings kinabahan ako. walang nasagot. omg. baka wala siya. i called again. wala pa ring sumasagot. i knocked. and knocked. and knocked. and knocked louder. wala pa rin. oh my. this is turning out to be a really bad movie. syempre makulit ako tumawag pa rin ako kahit alam kong walang sasagot. para lang magmukhang may ginagawa ako. nasa harap ba naman ako ng bahay nila, sa ilalim ng init, amoy baboy, amoy usok, at lalo pang umiinit sa bawat segundo sa pagtaas ng inis ko.
sa sobrang galit ko nga, 45 minutes pa kong nakapaghintay.
nang matauhan ako, naglakad na ko sa sakayan. sabi ko sa sarili ko, "kahit man lang mongolian barbecue, masalba araw ko." so nagpunta ko sa may UM ulit. nakipagbangayan ulit ako sa mga pasahero ng jeep at lrt. this time, looking forward to sitting down in front of a steaming, spicy bowl of sweet, sweet taketori mongolian barbecue. and i was religiously, deliriously holding that image in mind as i got off the lrt station and floated towards the restaurant...
... in which i find a Closed sign plastered on the door, jeering at me for all it was worth.
putangina.
ayoko na.
kung may natatawa man dyan, leche, gigilitan kita. wala akong pakialam kung diyos ka. MASARAP MAGING KONTRABIDA.