Friday, February 18, 2005

Dugo


Nakakita ka na ba
ng dugong tumutulo
mula sa sariwang sugat
at marahang kumakalat
sa malamig na tubig
sa isang malinis baso?

Sa una'y mapula,
nagngangalit, umaalma.
Ilang segundo'y parang usok,
tila sumasayaw, lumilipad.
Ilang segundo pa'y parang ulap,
matapos (o bago magsimula)
ang matinding unos.

At sa huli'y parang ikaw,
o marahil, ang iyong puso:
unti-unting nawawala.
Kahit alam kong mukhang
malinaw na ang tubig sa baso,
hinding-hindi ka maglalaho.




----------
Have you seen a drop of blood on cold water? At first as red as one is passionate, then playful as smoke, then clouds after a storm, and then like you... slowly... slowly... fading away.