Thursday, August 05, 2004

Paghimlay (Ngayon, Alas Quatro Ng Umaga)


nag-aalinlangang panaginip
ang paglubog-litaw ng paghinga
sa gabing di mawari kung totoo

sa dilim lahat naantala
hindi maisip kung panlinlang ba
ang sayaw ng mga anino sa mata

marahil ay hangin
marahil ay ulan
ang mapanuksong pag-ibig ng umaga

at kung sakaling nagmumulto lamang
ang galaw ng bawat salitang dalita
ang ikot ng elisi sa aking isipan--

totoo ka
totoo ka
totoo ka...