simple lang. inuman. tawanan. kantahan. umiikot ang buong mundo sa ilaw ng dalawang kandila na nasa gitna ng sala. hanging amoy ulan na paminsa'y umiihip sa siwang ng mga bintana ang tanging nagpapalamig sa gabi. kasama ang mga kaibigan -- mga dati nang kakulitan at mga bagong kakilala. walang problema, walang komplikasyon.
tagay ng gin ang nagsimula, wala nang pasakalye. bawal ang urungan. patigasan ng sikmura. lahat ng kasali, inaasahang maghimayan ng emosyon. at ganun na nga ang nangyari. sa bawat pag-ikot ng shotglass, sa bawat paglunok ng gin, kanya-kanyang storya ang lumabas. ibang klaseng chaser, ika nga.
ang maganda pa dito, walang kahit anong bahid ng pagbabalatkayo ang nagparamdam. nagpakatotoo lahat. masakit na masarap na masaya. gin, san mig light, at tawanan lang ang katapat ng bawat pang-aalaska, ng bawat pagsang-ayon, ng bawat pagtanggi.
at pagkalipas ng ilang oras, pagkatapos ng hindi na mabilang na ikot ng shotglass, naamoy na ng mga gising pa (na apat na lang mula sa pito, maliban sa anim pa na nauna nang umuwi pagsapit ng alas quatro) ang malamyos na pagsimoy ng hanging sabado.
lasing man habang nagliligpit, tulog man ang iba sa sahig, kumakabog man ang ulo ng iba... ang kwento'y saka pa lang mag-uumpisa. :)
kaya kay jade, jac, jette, mark, ariel, ino, tinny, jek-jek, abba, pryor, sheryl, randall; sa mga hindi nakasamang sina manelle, marvin, norman, joseph, at noel; sa mga naging kaibigan na sina sylvia, jovy, ariel, at brian... mahaba-habang inuman!
TIG-IISANG TAGAY NG GIN SA INYONG LAHAT! :D
